Biyernes, Enero 23, 2015

Three Things I know about Goodbyes



    


1.May tatlong pwedeng kahatungan ang isang 'Goodbye'

        A. Closure


                         Ito ang kadalasan na kinahahatungan ng mga 'Goodbye' na nakarating sa tenga ng taong iiwan mo. Kaya closure ay dahil  sapagkakataon ng pamamaalam ninyo sa isa't isa ay nagkaliwanagan kayo kung bakit nga ba kayo aalis sa buhay ng isa't isa. Kumbaga magkakaroon kayo dito ng conclusion  bakit nga ba kayo humantong sa isang 'Goodbye'.

     


B. Renewal/Second Chances
                           Renewal? Bakit nga ba Renewal? Kasi nga sa 'Goodbyes' magkakaliwanagan kayo kung bakit kayo humantong sa ganoong senaryo. Pero minsan mapapaisip kayo na hindi naman pala dapat kayo mag-paalam sa isa't isa kundi sa mga bagay na nagtulak sa inyo paalis sa buhay ng isa't isa. Sa pagkakataon na iyon magkakaroon kayo ng second chances sa isa't isa.





 

    C. New Chapter

                        Sa totoo lang, kahit anong goodbye pa iyan, and result niyan ay isang bagong kabanata ng iyong buhay. Alam naman natin na kahit anong klaseng pamamaalam eh masakit pero wag kang mag-alala dahil always naman na pagkatapos ng ulan may bahag-hari, Basta maging positibo ka lamang sa mga susunod na mga pangyayari sa buhay mo :)



                 

2. May Dalawang Klase ng Paalam

      A. Ang mga 'Goodbye' na hindi mo naririnig pero sapol na sapol naman sa puso mo.

                            

                                       
                          Ito yung paalam na masakit eh. Eto yung 'goodbye' na nagsasabi sayo na ayaw ka na nila sa buhay nila at hindi na nila kailangan iexplain yon. MASAKIT ITO! Kasi sa ganitong paraan ng pamamaalam ay pinaparamdam sayo ng tao na napaka-'unwanted' mo at hindi ka na worth ng oras niya.

                       Hindi lamang yon. Ang isa pang masakit dito, hahayaan ka lang nilang  magtanong nang magtanong kung bakit unti-unti ay nawawala na sila. Mga tanong na halos makakapagpabaliw sayo at dudurigin  ang puso mo dahil samu't saring kasagutan ang maaring lumitaw, pero ang maiisip mo lang ay ang pinakaworst na sagot.

                             Katulad na lamang ng mga kaisipan na hindi ka sapat kaya ka nila iniwan, na tapos ka na nila gamitin kaya naman wala nawala na ang mga walanghiya. Hindi  ko sinasabi na ang mga nabanggit nga ang dahila ngunit aminin mo man sa hindi kahit binibigyan mo ng benefit of doubt ang mga taong nang-iwan sayo ng walang pasabi, naisip mo mga ganiyang bagay.




    B. Mga 'Goodbye' na sapul na sa puso mo at narinig mo pa



                            Sa aking opinyon, mas maganda kung ang 'Goodbye' mo ay nakakarating sa  tenga ng taong iiwan mo. OO MASAKIT din naman ito, pero kahit papaano ay maiihanda mo yung tao sa iyong paglisan.Takot kasi ang tao sa unknown, kaya naman kapag naipaalam mo na sakanya na iiwan mo na siya, kahit papaano ay masasanay na niya ang sarili na wala ka.

                         Isa pa mabibigyan mo din siya ng pagkakataon na magkapagtanong sayo  kung  bakit ka aalis, kung babalik ka pa ba, o may nagawa ba siya kaya mo iyan gagawin. Hindi yung nangangapa siya habang unti unti siyang kakainin ng sarili niyang kalungkutan. Kumbaga kasi ang ganitong klase nang pamamaalam ay siyang humahantong sa sinabi ko nga sa number 1 na Closure at Renewal. Mahalagang bagay kasi sa isang 'Goodbye' na malaman mo kung bakit nga kayo nagsimula at bakit kailangan humantong sa isang katapusan. Wika nga, mahalagang matutunan mo ang pagkakamali mo.



3. Goodbyes.. sometimes.. means "Till we meet again, I'll miss you"

                      Yep, minsan ang mga goodbyes na dumadating saatin ay hindi permanente. Minsan ang salitang ito ay nagpapahiwatig na mawawala ang isang tao sa buhay ngunit babalik at babalik din ito sa takdang panahon ngunit kailangan mong ngumiti at magpakatatag habang dumating ang oras na yon ^_^



                                   


                           
(Pics are not mine :) Credits to the owner ^_^)